Friday, 1 July 2016

Pichi-Pichi (peche-peche)

Ang pichi-pichi ay isa sa mga pinaka-paboritong himagas o meryenda ng mga taga-Naic. Sinasabing ito ay nagmula sa lalawigan ng Quezon at nakaabot sa iba't ibang lalawigan sa Pilipinas kabilang na ang Cavite. Sa Naic, kilala ito sa tawag na "peche-peche" at karaniwang inilalako tuwing umaga o hapon sa mga bahay-bahay sa iba't ibang Barangay dito.

pichi-pichi
Ang pichi-pichi ay gawa sa ginadgad na kamoteng kahoy o balinghoy at hinaluan ng mga sangkap pampalasa tulad ng asukal, pandan at maingat na pinasingawan. Hindi kumpleto ang pag-kain ng pichi-pichi kung hindi ito bubudburan ng kinadkad na niyog o keso na lalong nagpapasarap sa naturang pagkain. Ang flavor ng pandan o vanilla ang lalong nagpapalinamnam ng lasa nito.

pichi-pichi at mainit na kape
Di tulad sa ibang lugar na malambot ang pagkakaluto nito na binudbuan ng ginadgad na keso sa
photo credit:shutterstock
ibabaw, dito sa Naic ito ay karaniwang may katigasan at sa niyog karaniwang pinagugulong. Hindi kumpleto ang hapon kapag wala si Aling Tindera na may sunong-sunong na bilao (o basket na yari sa plastic na ngayon) at sumisigaw ng "peche peche kayo riyan!" sa mga lansangan at bahayan sa Naic.
Ngayong tag-ulan, mainam itong sabayan ng mainit at umuusok na kape, tsaa o salabat habang ninanamnam ang malamig na hangin na dala ng ulan.      

No comments:

Post a Comment